Kwentomoto ni Warren

Minsan sa buhay natin ay mga pagkakataon na ika’y makakalimot. Katulad ng nangyari sa akin noong pumasok ako ng late sa opisina at nagmadaling magpark ng sasakyan. Nang ako’y papauwi na ay napansin kong nakasindi pala ang naghihingalo nang ilaw sa loob ng aking sasakyan. Tepok na ang karga ng aking lumang baterya at kailangan nang palitan. Hindi ko na kayang lumabas, bumili ng baterya, at palitan ito dahil ako’y hapo na sa trabaho. Laking pasasalamat ko sa 3706686 dahil agad nila akong natuntunan at kinabitan ng baterya. Ang motolite battery at ang kanilang bagong hotline ay tunay na maasahan!