Kwentomoto ni Constantino

Noon pa man Motolite battery na ang ginagamit ng tatay ko sa sasakyan namin, bukod sa maaasahan ang kalidad ng bateryang ito, pang-matagalan ang gamit at madaling mahanap sa mga establisadong tindahan ng baterya. Ngayon na may sarili na akong sasakyan, patuloy pa rin ang aking paggamit at paghanga sa kalidad ng Motolite battery dahil katuwang ko ang Motolite sa aking personal at panghanapbuhay na gawain. Ni minsan hindi ako nagkaroon ng problema sa daan na dulot ng baterya, hindi ko inisip na mag-alala na matirikan sa bawat biyahe dahil ibang klase at pulido ang pagkakagawa ng Motolite battery.