Kwentong Motolite ni Ron
Ilang taon ko na din ginamit ang Motolite Gold sa kotse ko at naaisipan ko na ring palitan kahit wala pa naman akong nararamdamang masama sa battery, “preventive maintenance” na rin. Motolite Excel naman ang ginamit ko.
Pagkatapos ang ilang araw noon kasama ko ang aking asawa at dalawang anak paauwi sa Quezon City galing probinsya, napansin ko na mababa ang voltage reading pero pinilit ko na ring umuwi kahit na ganun at ayokong tumigil sa daan kasi gabi na at kasama ko ang pamilya ko.
Nakauwi naman kami at pinatingin ko sa mekaniko ang kotse ko kinabukasan. Laking gulat kami nang makitang sira ang alternator ng kotse, hindi na tumatako, ibig sabihin — MOTOLITE EXCEL ANG NAGPATAKBO NG KOTSE GALING PROBINSYA HANGANG QUEZON CITY!!!!
Kaya hindi na ako titingin pa sa ibang brnad ng battery, Motolite lang.

