Kwento ni Chris
Maganda ang kabuhayan namin sa Rapu-Rapu Albay. Wala na kong mahihiling pa, malapit ako sa pamilya, maganda at masaya ang community namin at napakaganda ng lugar namin. Malapit sa mga beach at kitang kita ang Mayon Volcano. Okey naman ang koprahan at mga pataniman kaya nga maski sa Maynila pa ako nag-aral at nagtapos, umuwi ako sa Bicol para tumulong sa pamilya sa pamamalakad ng mga pataniman namin.
Bagyuhin sa amin sa Bicol pero parang ang suwerte namin kasi hindi naman kami napipinsala ng grabe. Pero nung September 2006, nagbago ang inaakala namin na swerte. Ibang klase ang lakas ng hagupit ng Bagyong Milenyo. Nagkaroon ng mga flashfloods, landslides, nasira ang mga bahay at mga pananim. Sabi ng Tatay e matagal na daw nya di nakikita ang ganito katinding bagyo. Dineklara na nasa state of calamity ang lugar namin.
Bukod sa baha, landslides at mga pinsala sa bahay at pananim, ang pinakamatindi sigurong takot namin e yung wala kaming kuryente, walang balita at means of communication, walang ilaw. Yun na yata ang pinakamadilim na parte ng buhay ko, 2 days ng kadiliman at walang communication sa labas ng isla. Parang ang helpless namin.
Pagkatapos ng dalawang araw na yun, nagka-ilaw sa townhall saka nagkaron kami ng radyo maski hirap sa signal minsan. Nagkaron kami ng communication sa labas ng isla. Dahil ito sa Motolite Stationary battery na pwede gamitin for emergency lighting. Buti na lang meron pala nito sa Legazpi City at pinilit itransport sa amin sa Rapu-Rapu. Naluha talaga ang Nanay at Tatay ko, akala mo first time nakakita ng liwanag!

