• News, Stories, Videos

    Posted on June 9th, 2009

    Written by admin

    Tags

    Congratulations to the Winners of the Kwentomoto promo!

    Congratulations to the Winners of the Kwentomoto promo!

    Story:

    • Constantine Canete, Jr
    • Carol Isidro
    • Aaron Ravana

    Video:

    • Jeff
    • Wyljan

    We will send you an email with instructions on claiming your prizes.

  • Stories

    Posted on May 25th, 2009

    Written by ayo

    Tags

    Motolite Is the Best

    Isa po akong taghanaga ng motolite, and I’ve been using Motolite maintnance free baterries for more than 5 years. Ours is just a second hand family van but by using Motolite, walang abreya. Nagsimula akong humanga sa motolite dahil ikinokompara ko ito noon sa baterya na ginagamit ng kamag-anak, brand new pa yon pero d motolite, sa amin almost 2 years na ang gamit, pero sa kanila 1 yr pa lng, wala na, so noong ng road trip kmi, na abreya sila, kaya’t ang ginawa ko, pinahiram ko muna ang baterya ko, so umandar cla, so in that instance, nakapagsabi ang kamag-anak ko na the best talaga ang motolite, so by next week, bumili sila kaagad ng motolite gold. By the way, kabibili ko lng ng bagong motolite battery ko coz yung una ko, yes nag weak nga but we’re using it for more than 5 years na na walang aberya, maasahan ka talaga motolite, yan ang kwento ko.

  • Stories

    Posted on February 26th, 2009

    Written by nomad

    Tags

    Kwentong Motolite ni Ron

    Ilang taon ko na din ginamit ang Motolite Gold sa kotse ko at naaisipan ko na ring palitan kahit wala pa naman akong nararamdamang masama sa battery, “preventive maintenance” na rin. Motolite Excel naman ang ginamit ko.

    Pagkatapos ang ilang araw noon kasama ko ang aking asawa at dalawang anak paauwi sa Quezon City galing probinsya, napansin ko na mababa ang voltage reading pero pinilit ko na ring umuwi kahit na ganun at ayokong tumigil sa daan kasi gabi na at kasama ko ang pamilya ko.

    Nakauwi naman kami at pinatingin ko sa mekaniko ang kotse ko kinabukasan. Laking gulat kami nang makitang sira ang alternator ng kotse, hindi na tumatako, ibig sabihin — MOTOLITE EXCEL ANG NAGPATAKBO NG KOTSE GALING PROBINSYA HANGANG QUEZON CITY!!!! 

    Kaya hindi na ako titingin pa sa ibang brnad ng battery, Motolite lang.

  • Stories

    Posted on February 26th, 2009

    Written by carol

    Tags

    , , , ,

    Kwento ni Carol

    I’m a working mom. Ever since my husband left for abroad, I have to juggle my role as a career woman and  a mother of two kids.

    Hinahatid ko sila sa school every morning before I go to work.  I try to go home early in the afternoon para masundo ko ang mga anak ko sa school.  Gusto ko kasi na  sabay sabay kami umuwi . Madalas, we just eat out para di na ako magluto ng dinner sa bahay.  Para pagdating sa bahay, yung inuwing trabaho na lang ang aasikasuhin ko.

     

    One time, I had to go on half day to watch my son’s school play. He is playing the lead role!  I’m so excited na makunan sya ng video para sa dad nila.  Nagmamdali talaga akong umalis ng opisina kasi  I wanted to talk to him first bago magstart yung play – to give him words of encouragement.  Nagtext kasi yung teacher nya, hinahanap na daw ako. Si bunso, biglang nagkaroon ng stage fright!

     

    Pagdating ng lunch break, dali-dali akong tumakas ng office. Halos tumakbo na ako papunta ng parking lot, I’m so excited na kasi talaga. When I tried to start the car, ayaw umandar! I checked my gas, puno pa naman. So I checked my battery connection. My knowledge in repairing cars is very, very limited. Oh how I wish my husband is here, he would know what to do. Mukha naman maayos ang connection. Then I remembered, last night, parang humihina na yung headlights ko. Naku, ubos na yung battery. Gusto ko na maiyak.

    Mabuti na lang pinaalala nung manong guard na Motolite delivers. At buti na lang madali maalala yung number nila —- 370-moto. In just a few minutes after ko silang tawagan, nadeliver na yung battery ko.  Yung delivery guy pa yung nagkabit.Thank goodness talaga.

     

    Ayun, nakahabol ako sa school play.  My son was the best performer! Salamat talaga at nagdedeliver na ang motolite.

  • Stories

    Posted on February 25th, 2009

    Written by Warren

    Tags

    , , ,

    Kwentomoto ni Warren

    Minsan sa buhay natin ay mga pagkakataon na ika’y makakalimot. Katulad ng nangyari sa akin noong pumasok ako ng late sa opisina at nagmadaling magpark ng sasakyan. Nang ako’y papauwi na ay napansin kong nakasindi pala ang naghihingalo nang ilaw sa loob ng aking sasakyan. Tepok na ang karga ng aking lumang baterya at kailangan nang palitan. Hindi ko na kayang lumabas, bumili ng baterya, at palitan ito dahil ako’y hapo na sa trabaho. Laking pasasalamat ko sa 3706686 dahil agad nila akong natuntunan at kinabitan ng baterya. Ang motolite battery at ang kanilang bagong hotline ay tunay na maasahan!

  • Stories

    Posted on February 22nd, 2009

    Written by Renante

    Tags

    , , , ,

    Kwentomoto ni Renante

    Ang lubos na kinahahanga ko ay ang environmental concern na ipinagbibigay halaga ng Motolite sa kanilang “Motolite Balik Baterya Program”, kung saan rine-recycle nila ang gamit na baterya sa paraang hindi makasisira sa ating kalikasan. Isang malaking inspirasyon para sa akin na bigyang halaga ang ating kapaligiran at dahil dito ang aking respeto at mataas na pagtingin sa Motolite battery ay palaging mananatili.

  • Stories

    Posted on February 9th, 2009

    Written by bornkillah

    Tags

    , , ,

    Kwento ni Chris

    Maganda ang kabuhayan namin sa Rapu-Rapu Albay. Wala na kong mahihiling pa, malapit ako sa pamilya, maganda at masaya ang community namin at napakaganda ng lugar namin. Malapit sa mga beach at kitang kita ang Mayon Volcano. Okey naman ang koprahan at mga pataniman kaya nga maski sa Maynila pa ako nag-aral at nagtapos, umuwi ako sa Bicol para tumulong sa pamilya sa pamamalakad ng mga pataniman namin.

    Bagyuhin sa amin sa Bicol pero parang ang suwerte namin kasi hindi naman kami napipinsala ng grabe. Pero nung September 2006, nagbago ang inaakala namin na swerte. Ibang klase ang lakas ng hagupit ng Bagyong Milenyo. Nagkaroon ng mga flashfloods, landslides, nasira ang mga bahay at mga pananim. Sabi ng Tatay e matagal na daw nya di nakikita ang ganito katinding bagyo. Dineklara na nasa state of calamity ang lugar namin.

    Bukod sa baha, landslides at mga pinsala sa bahay at pananim, ang pinakamatindi sigurong takot namin e yung wala kaming kuryente, walang balita at means of communication, walang ilaw. Yun na yata ang pinakamadilim na parte ng buhay ko, 2  days ng kadiliman at walang communication sa labas ng isla. Parang ang helpless namin.

    Pagkatapos ng dalawang araw na yun, nagka-ilaw sa townhall saka nagkaron kami ng radyo maski hirap sa signal minsan. Nagkaron kami ng communication sa labas ng isla. Dahil ito sa Motolite Stationary battery na pwede gamitin for emergency lighting. Buti na lang meron pala nito sa Legazpi City at pinilit itransport sa amin sa Rapu-Rapu. Naluha talaga ang Nanay at Tatay ko, akala mo first time nakakita ng liwanag!

  • Stories

    Posted on February 6th, 2009

    Written by Constantino

    Tags

    , ,

    Kwentomoto ni Constantino

    Noon pa man Motolite battery na ang ginagamit ng tatay ko sa sasakyan namin, bukod sa maaasahan ang kalidad ng bateryang ito, pang-matagalan ang gamit at madaling mahanap sa mga establisadong tindahan ng baterya. Ngayon na may sarili na akong sasakyan, patuloy pa rin ang aking paggamit at paghanga sa kalidad ng Motolite battery dahil katuwang ko ang Motolite sa aking personal at panghanapbuhay na gawain. Ni minsan hindi ako nagkaroon ng problema sa daan na dulot ng baterya, hindi ko inisip na mag-alala na matirikan sa bawat biyahe dahil ibang klase at pulido ang pagkakagawa ng Motolite battery.

  • Stories

    Posted on January 28th, 2009

    Written by nancy

    Tags

    ,

    Kwentomoto ni Nancy

    Actually it’s not my kwento, it’s my driver’s kwento. His name is Boyet. Before I employed Boyet, he used to work as an ambulance driver in a medical center in the metro for almost 15 years. So he’s really a certified king of the road.

    Anyway, what amazes me is that during his 15-year tenure as an ambulance driver,

    according to him, never pa silang tumirik while driving a patient to the ER. Galing di ba? Of course, you can say that the ambulance is well-maintained…but I think part of the credit dapat sa battery, and that’s Motolite.

    I mean with that kind of job, everything is a matter of life and death, so dapat talaga you should only be using a reliable battery.

  • Stories

    Posted on January 28th, 2009

    Written by mikol

    Tags

    ,

    Kwentomoto ni Mikol

    I heard about Motolite Express Delivery over the radio. Siyempre tinandaan ko malay mo baka kailanganin ko. Kasi during those times na nasiraan ako, sobrang hassle. And what I’m afraid of is baka my battery might die on me in a far flung area, tapos gabi. Well good thing it hasn’t happened yet. 

    My story is simple…I was in the parking lot, I was on my way to the office, then ayaw mag-start ng car. It turns out nadischarged yung battery. ready na ko magtulak  when I remember saving the Motolite Express Delivery number on my cellphone. Kaya tinawagan ko.  I dialed the number before pa just to check if it’s true. So I really knew right away that it was not just some marketing ploy. 

    I called them up. After several minutes, they have my new battery na.  Sila pa nag-install. Impressive.

  • Older Posts Yeah! There are more posts, check them out.